Friday, November 26, 2010

Robin Padilla After 10 Failed Marriages: "Sobrang naniniwala kasi ako sa pag-ibig!"


Showbiznest just attended Robin Padilla's "Star Studio Plus: IDOL" Bookazine grand presscon at Via Mare Oyster Bar in Power Plant Mall, Rockwell.

Robin, at 41, is still oozing with charisma - one trait that made him a lady's man until now. The "Idol" of Philippine showbiz was at his good mood, greeted all the Kapamilya, Kapuso and Kapatid, and gamely answers all the questions thrown by invited press. He even raffled off one motorcycle for the press. Idol!

Here's the excerpts of his interview:

On Star Studio Plus IDOL Bookazine. "Galing po ang concept kay Mr. Lopez (Gabby Lopez, ABS-CBN Chairman and CEO). Nag-meet po kame sa isang coffee shop sa isang lugar malapit sa condo ko. Dito po mababasa ninyo at makikita ang mga pinagdaaanan ko. Malalaman nyo din na hindi dahil anak ako ng dating Gobernador eh lumaki ako sa luho. Makikita po ninyo dito ang pinagdaanan ng isang Robin Padilla. Hangad ko lang na may mapulot kayong aral sa buhay ko."

On being tagged as Idol: "Yung tawagin ka pong Idol ay talaga namang nakakakilabot. Nagpapasalamat po ako sa mga taong hanggang ngayon ay nagtitiwala pa din sa akin."

On his 15 serious relationships (10 of which ended in marriage and divorce) : "Sira ulo kasi ako pag inlove. Wala naman akong pinagsisisihan dun. Lahat naman sila minahal ko ng totoo. Sobra lang talaga akong naniniwala sa pag-ibig. Pero ngayon masasabi kong masayang masaya ako sa aking bagong pag-ibig."

On his major regret in life: "'Di naman pagkakamali pero yung pinagsisisihan ko talaga eh nung nag-droga ako. Ngayon naiisip ko na sana 'di ko ginawa yun."

On his latest India trip with wife Mariel Rodriguez: "Marami po kameng mga lugar na pinuntahan ngayon. Syempre mas mahal ko po ang ating bayang Pilipinas, pero napakaganda di po ng India."

On his relationship with Mariel: "Ako po kse ay napakaselosong tao. Ibig pong sabihin nun, hanggang mayroong selos, umiigting pa po ang pagmamahal. Si Mariel po ay talaga namang pinipilit maging mabuting maybahay. Pinagtitimpla nya ako ng kape kahit minsan eh sobrang tamis sa asukal. Kahit antok na antok na yun, pinipilit pa rin nyang gumising at makinig sa mga sinasabi ko. Minsan sinasampal pa nya ang sarili nya wag lang akong tulugan. Talaga namang napaka-mapagmahal na asawa."

On their plan to have a child: "Lahat naman po ng nag-aasawa eh gustong magkaanak. Pero suwerte nga ni Mariel instant mommy agad sya sa apat na bata."

On their church wedding: "Dapat nga po ngayong December na yun pero dahil nga po sa maraming pangayayari, 'di na umabot. So plano po naming gawin yung early next week. Baka po January."

On his daughters Queenie and Kylie: "Kasama po nila ako magmula nung dumating ako last November 20. Sinorpresa pa nila ako nung isang araw. Ngayon ang tanging gusto kong gawin eh makasama at mapasaya ko yung mga anak ko."

On Queenie and her rumored-boyfriend Ejay Falcon: "Nagugulat nga po ako nung nagsho-shooting kame ng pelikula. Ang hirap pala at nakakaasiwa pag yung anak mong babae eh nakita mong nakakandong sa lalake habang nakaharap at kausap mo sila. Pero hinde naman sila pa. Sana naman hinde. Mga bata pa sila. Gusto kong pagbutihin muna nila ang mga career nila."

On her latest movie with Mariel: "Nung naglabas ang Star Studio ng magazine nila na nag-feature sa mga litrato namin ni Mariel sa India, pinatawag kame ng konsulado ng India dito sa Maynila at natuwa naman sila na marami akong alam sa kultura nila kaya binigyan kame ng permit na mag-shooting kahit saang lugay sa India. Nag-shoot kme sa India kasama si Mariel at yung ibang staff. Bale kme ni Mariel ang adult loveteam dito at si Queenie at Ejay naman yung batang loveteam. Sa sobrang dami ng magagandang lugar sa India medyo sumobra kame sa mga nakuhanan. Problema ngayon ng editor kung paano pagkakasyahin yung lahat ng na-shoot namin sa isang oras at kalahati. Baka nga hinde na kame umabot sa January playdate dahil nga ang hirap i-edit ng pelikula. Yung ibang shoot na flashback scene ni Mariel eh dito gagawin sa Manila."

On Willie Revillame and Mariel's rumored transfer to TV5's Willing Willie: "Wala po kameng tampuhan ni Willie. Lalake po kame at 'di naman bagay sa amin ang magtampuhan. Kung lilipat po si Mariel eh depende po sa kanya yan. Pero kung mangyayari man po 'yun eh dapat may basbas ng ABS-CBN."

On his stand about reproductive health and condom (he is currently endorsing trust condom): "Kasundo ko na po ang santo Papa sa pag-e-endorso ng condom. Heheheh. Aminin naman na po natin na dati Thailand ang nangungunang bansa pag pinag-uusapang ang AIDS. Pero ngayon, Pilipinas na."

On political tandem with Manny Pacquiao: "Malaki ang paghanga ko kay Manny Pacquiao. Alam kong hinde sya mangungurakot dahil nga sa masyado na syang maraming pera. Pero yung pulitika po eh hinde para sa akin. Puwede naman po akong mag public service pero hinde ang pasukin ang pulitika."


No comments:

Post a Comment