Friday, July 16, 2010

TFC Brings Melai Cantiveros and Jason Francisco to London


Matutupad na ang wish ng Pinoy Big Brother Double Up winners na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco na makapag-abroad dahil sa The Filipino Channel (TFC). Umalis ang eroplanong sinasakyan nina Melai at Jason last night. At sa una nilang out of the country adventure, sa London sila dadalhin ng TFC.

This Sunday, magbibigay ng fun and excitement ang phenomenal na tandem na kilala bilang Melason sa lahat ng Global Pinoy in Europe sa annual Barrio Fiesta in London, kung kailan sine-celebrate sa United Kingdom ang Pinoy Indepence.

Ang Barrio Fiesta sa London 2010 will happen in Lampton Park, Hounslow. On July 18, makakasama ng Melason love team ang hottest Kapamilya stars this season: versatile comedienne at host ng Wowowee na si Pokwang na aminadong malapit sa puso niya ang Global Pinoys dahil siya man ay nakaranas magtrabaho sa ibang bansa; comebacking dramatic actor and former matinee idol na si Gabby Concepcion na excited humarap sa libu-libong mga kababayang gaya niya'y matagal na nalayo sa Pilipinas; at ang multi-talented performer na lumalabas bilang butihing ina sa Agua Bendita na si Vina Morales. Si Vina ay mapapanood din bukas, July 17, sa Barrio Fiesta.

Iniimbitahan ng TFC na dumalo ang lahat ng mga Global Pinoy sa taunang Fiesta at makiisa sa patuloy nating pagbabandila ng galing ng Pilipino saan man sa mundo.


No comments:

Post a Comment