Thursday, July 29, 2010

Rizal Day Bombing Survivor Remembers Grim Experience


Ano ang iyong gagawin kung sa isang iglap lahat ng pangarap mo ay magunaw sa isang pagsabog?

Ito marahil ang tanong ni Joel Atienza matapos maging isa sa mga biktima ng Rizal Day Bombing noong 2000. Sakay ng tren ng LRT papuntang istasyon ng Blumentritt, puno ang puso niya ng pag-ibig at pag-asa para sa pinapangarap na pamilya nila ng kasintahan.

Ngunit sa isang malagim na pagsabog na kumitil sa 22 buhay at sumira sa kaniyang mga paa, pakiramdam niya ay katapusan na rin ng buhay niya.

Patunay lamang sa tatag ng loob ng mga Pilipino, nalampasan ni Joel ang galit at kawalan ng pag-asa upang ipagpatuloy ang buhay maski na nawalan ng mga paa.

Panoorin kung paano siya bumangon sa trahedya sa "I Survived" ngayong Huwebes, Hulyo 29, kasama si Ces OreƱa Drilon, pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment