Friday, July 16, 2010

Martin Nievera and Gary Valenciano Will Face Boy Abunda "As One" on Inside the Cinema


Isa na namang TV exclusive ang hatid ng Cinema One, ang leading cable channel sa bansa, sa natatanging pagbisita nina "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano at "Concert King" Martin Nievera sa pinag-uusapang cable show ni "King of Talk" Boy Abunda na Inside The Cinema.

Sa Inside The Cinema, masisilip ng mga manonood ang buhay at pagkakaibigan nina Gary at Martin sa harap at likod ng kamera. Magbabalik-tanaw at pag-uusapan nila ang mga pinagdaanan nilang pagsubok bilang mga bagitong singers at kung paano nila napagtagumpayan ang magulong mundo ng showbiz at makilala bilang dalawa sa pinakasikat na music artists at concert icons ng Pilipinas. Ibabahagi din nina Gary at Martin kay Boy ang mga saloobin tungkol sa usaping pag-ibig, pamilya, at kung paano nilang pinahahalagahan ang kani-kanilang mga anak.

In one interview, ipinahiwatig nina Gary at Martin ang pagmamahal nila sa musika at sa mga taong inaalayan nila nito. Ayon kay Martin, "We sing the songs like we’re reinventing them through how we feel them.” Pahayag na sinang-ayunan naman ni Gary, “Most especially when it’s a movie theme song, we feel that somehow we become part of the movie and it just give us a certain high!"

Nang tanungin kaugnay ng kanilang pagkakaibigan, sinabi ni Gary na pinatatag ng panahon ang samahan nila. "This closeness we have did not happen overnight," ani Gary. "There are things we both went through that we both know and nobody knew to this day," dagdag ni Martin

Samahan si Boy Abunda sa Inside The Cinema at alamin kung may mga bagong rebelasyon siyang matutuklasan sa makulay at minsang maingay na buhay nina Gary at Martin. Matapatan kaya ni Boy ang taas ng energy ng dalawang music icons lalo na’t haharapin siya nito "As One"?

Huwag palampasin ang Inside The Cinema sa Cinema One Sky Cable channel 56! Panoorin ito sa July 17, Sabado, 12nn at July 18, Linggo, 10:15pm.


No comments:

Post a Comment