Monday, July 19, 2010

"Talent5" To Search New Stars via TV5's New Talent Show "Star Factor"


Ready nang makipag-compete ang TV5 sa pag-develop ng mga talents dahil meron na silang Talent5, ang talent management and development division ng network na magiging katapat ng Star Magic ng ABS-CBN at Talent Center ng GMA 7. Ang theater actor-director at re­si­dent judge ng Talentadong Pinoy na si Audie Gemora ang napiling head ng Talent5 sa paghahanap at pag-aalaga ng mga talentong kanilang didiskubrehin at magbibida hindi lang sa TV5 kundi sa lahat ng larangan ng show business.

"Talent5 will be a home for future stars and a home where every single one of them will be accommodated," sabi ni Gemora. "I want to study very well how to manage their careers, not just as stars of the station itself but as total stars in the making."

Para simulan ang paghahanap ng mga new faces na igru-groom ng Talent5 bilang mga home-grown artist, ilo-launch nila ang pinakabagong talent search, ang Star Factor to be hosted by Ruffa Gutierrez.

Open ang Star Factor para sa mga aspiring artist aged 13-18 na hahanapan ng total package ng good looks, exceptional talent and charm, at ng star potential na ide-develop ng Talent5 para maging susunod na teen idols.

Isang buong araw ng Star Factor auditions ang gaganapin sa July 25 sa SM Mall of Asia at susundan ito ng regional auditions sa SM Davao sa August 1 at SM Cebu sa August 7.

Si Audie ang chairman ng Star Factor panel of judges - ang Star Makers, na kabibilangan din ng fashion photog­rapher na si Raymund Isaac, ang music icon na si Mr. Ryan Cayabyab, talent manager na si Ms. Annabelle Rama at well-known at multi-awarded director na si Joey Reyes.

Aside sa Star Factor, may plan din si Direk Joey na magtayo ng Showbiz School. Isang eskuwelahan na magtuturo ng mga bagay na sa pakiramdam ni Direk ay kinakapus ngayon ang showbiz.

Plano rin daw nilang ibalik ang dignidad ng pagiging artista. Natatandaan pa niya noon na may kausap siyang beteranang artista na nagsabi sa kanyang dumaan siya (veteran actress) sa butas ng karayom bago siyang tinawag na artista. Ngayon daw say ni Direk Joey, madaanan lang ng camera, artista na agad.

Kabilang din sa mga plans ng Talent5 ay ang pagta­tayo ng Talentado Center kung saan iha-handle ang career at bookings ng mga past, present at future contestants ng Talentadong Pinoy.

No comments:

Post a Comment