Saturday, July 17, 2010

"Showtime" Reveals Three Mystery Judges While Holding Wild Card Competition For Last Slot in The Grand Finals


Unti-unti nang nakukumpleto ang ten groups na maglalaban sa first ever Grand Finals ng leading talent variety show ng buong bansa, ang "Showtime".

After ang huling monthly finals this Saturday, July 17, muli namang magpapasikat ang mga grupong nagdala ng aliw sa Madlang Pipol para sa kanilang second chance this coming week para sa wild card round starting July 19. Ang bawat grupong mananalo kada araw ay maghaharap sa Wild Card finals on Friday, July 23 kung saan malalaman na ang tenth grand finalist ng "Showtime."

Aside sa mga group na magbabalik, kaabang-abang din ang tatlong mystery judges na makakasama ni Vice Ganda sa pagkilatis sa mga wild card groups. Hindi basta-basta ang tatlong mystery judges sa round na ito dahil kilalang-kilala nila ang bawat grupong magla-laban laban.

Aling grupo kaya ang papalaring makasama sa Wall of Fame kasama ng Kasibulan, Perlas ng Silangan, Mortal Combat and the Showgays, Beat Guys, Sensei, Savannah Kids Ballroom Dancers, Philippine Islands Assasin, at Enlighten Black Theater Group?

Sabay-sabay nating alamin iyan sa kapanapanabik na Wild Card Week ng "Showtime" this Monday, July 19, pagkatapos ng "Simply KC."

Abangan din ang pinakahihintay na "Showtime" Grand Finals on July 24 sa Ynares Sports Center, Antipolo City.


No comments:

Post a Comment